Sunday, November 8, 2015

NOTE TO SELF



In any sides of life, we must pray and give thanks to the Lord. Pray ceaselessly. 

Sunday, October 20, 2013

ROSE

Rose. Isa siyang mabangong bulaklak na nagbibigay ng kasiyahan at pag-ibig. Maiikumpara ko ang buhay ko sa bulaklak na iyan.

Image from www.theroseman.net




Ako si Rose. Labing walong taong gulang, at naguguluhan pa sa buhay na aking tatahakin.Simula pa ng isinilang ako, naging masaklap na ang aking buhay. Ako’y nabubuhay na hindi kumpleto ang pamilya. Ang aking Ina, Mila Rosario, ay isa lamang katulong ng mga Mercede, sikat na pamilya sa aming bayan.

Sa aking pagkakaalam, pumanaw na ang aking ama. Naging matatag at matapang nalang akong humarap ang pagsubok na ito. Ako ay nagtatrabaho bilang waitress ng Bon Chon Restaurant habang nag-aaral ng BS Social Work. 

Isang araw, pinatawag ako ng aking boss. Ako ay kinabahan dahil madalang lang ito kumakausap sa mga nagtatrabaho dito. 

“Miss Rosario, Umupo ka.” 

“Ha? O, Okay po sir”, takot kong sinagot. “Ano po iyon, sir?”

“Dahil matagal ka na dito at alam mo na ang mga trabaho dito, iaasign na kita sa Maynila, bukas na bukas din.”
“Talaga sir? Pano po yung.."

“Reklamo o mawawalan ng trabaho?”

Sa tanong na iyan, halos pumatak na ang luha ko. Ito ay isang seryosong desisyon. 

“Kung mawawalan ako ng trabaho? Paano na pag-aaral ko? Paano na kinabukasan namin ni Nanay?”, tanong ko sa sarili ko.

“Uhm.. Okay po sir, tatanggapin ko po ang alok niyo.”

Hindi ko alam kung bakit yun ang sinagot ko, basta ang nasa isip ko ang ina ko. Ang ina kong nagpapalaki sa akin ng maayos. Ang ina kong naging ama ko na rin. Ang ina ko, ang buhay ko.

Kinabukasan, bumiyahe na ako kasama ng mga waitress na nare-assign sa Maynila. Nang nakarating na kami, dumiretso na agad ako sa locker ko at nagbihis upang simulan na ang aking trabaho.
 
Oras-oras kong iniisip ang aking inang walang kasama sa bahay, walang kasabay kumain at walang kasama sa pagtulog. Sa kakaisip ko, hindi ko na namamalayan na nakabangga na ako ng isang kumakain doon. Natapunan ko siya ng isang boteng catsup sa kanyang damit.

“Naku po, sorry po. Hindi ko po sinasadya sir, sorry po.” Sabay punas sa damit ng lalaki.

Habang nagpupunas ako, may nararamdaman akong iba sa kanya. Parang matagal na kaming magkakilala. Siya ay matangkad, matangos ang ilong at desente kung manamit. Medyo may edad na pero mayaman at parang mabait. 

It’s okay, just be careful next time.” Mahina niyang sinabi sa akin habang tumatayo papalabas ng restaurant.

Napatitig ako sa kanya ng matagal. Puso ko’y sumigla nang nahawakan siya. Parang matagal ko na siyang hinahanap. “Siguro, siya na ang prince charming ko.” Sabay ngiti ko sa sarili.

Ilang linggo ang lumipas, parati nang kumakain doon ang lalaking tinatawag kong prince charming. Dahil sa kanya, natuto na akong mag-ayos ng aking sarili. Siya ang naging inspirasyon ko doon. Siya ang nagpabago sa akin. 

Isang maulang hapon ng Biyernes, ginabi akong umuwi dahil nag over-time ako upang tulungan ang cashier para mag liquidate ng kita sa araw na iyon. Habang ako ay naglalakad papuntang boarding house, may nakita akong isang sasakyan. Magara at pamilyar na sasakyan. 

“Parang kay prince charming to ah”, sabay tawa ko sa sarili ko. “Assuming ka talaga Rose”.

Isang boses ang aking narining.

“Ako ba ang tinutukoy mong prince charming?”

Napatulala ako. Nagulat ako at napahiya. Hindi ako umimik.  Agad-agad akong lumakad ng mabilis. Napahinto ako nang humarap siya sa mukha ko. At totoo nga, siya talaga yung prince charming ko. Nakakakilig! Parang nasa langit ako nang kinausap niya ako.

“Hi Rose. Pwedi ba kitang yayaing mag dinner?”

“Yes! Sure.” ang bigla kong sagot sa kanya. 

See you tomorrow, sa restaurant na lang kita susunduin, 7:00 PM.”

“Wait, ano pa nga name mo sir?”

“Leonardo, Leonardo Mercede.”

At bigla siyang pumasok ng kanyang sasakyan. 

Kinaumagahan, tumawag ang isa sa kapit-bahay namin sa Ilocos. Binalita niya sa akin na ang aking ina ay nasa hospital. Inioobserbahan sa kanyang sakit. Parang gusto ko nang umuwi at makapiling siya. 

“Pero wala pa akong sahod na natatanggap. Pano si inay?”
Sa kakaisip ko sa aking Inay, nagdesisiyon akong di nalang siputin si Leon. At nagtrabaho nang nagtrabaho upang may maipadala sa aking ina. 

Mga araw ang lumipas, kinukulit ako ni Leon. Gusto niya talagang magsama kaming kumain sa labas. Naiirita na ako pero kinikilig. Sa kakapilit niyang magyaya, pinagbigyan ko siya.

Nakasuot lang ako ng isang simpleng damit na kulay pula at konting make–up. Pumunta kami sa isang pangmayamang hotel. Kumain kami ng mga di pamilyar na pagkain sa akin tulad ng quesadillas, sushi, tuna carbonara at iba pa habang may tumutugtog ng violin.

Pagkatapos naming kumain, may napansin akong iba sa mga kilos ni Leon. Hinawakan niya ang aking kamay at dinala niya ako sa isang lugar kung saan pwedi matulog. Nang pumasok na kami doon, nagulat nalang ako na hinalikan ako ni Leon. Ang kanyang labi ay parang apoy na naglalagablab sa aking labi. Nadama ko ang kasiyahan at pag-ibig na walang katapusan.

Mula noon, naging official partner ko na si Leon sa aking buhay. Palagi na kaming magkasama. Kapag nandiyan siya sa aking tabi, ang mundo ko’y walang problema, puro kaligayahan lang.

Isang araw, may napansin akong iba sa aking katawan, parang lumalaki ang tiyan ko’t palagi akong nasusuka. Pinatingnan ko to sa doctor at napag-alaman ko na ako’y buntis na pala. 

Sinabi ko ito kay Leon at sabi niya’y pananagutan niya ang bata. Kami’y nagsama sa isang tahanan, simpleng tahanan na para lang sa amin. 

Siyam na buwan ang lumipas, ako’y nagkaanak at ako’y nagpapasalamat dahil ito ay lalaki. Pinangalanan naming siyang Leoncio. Pagkatapos kong isinilang si Leoncio, nagdesisyon akong ipapakilala si Leonardo sa aking Ina. 

Bumiyahe kami papuntang Ilocos. Nang nakarating na kami sa aming bahay, nakita ko ang aking inang masayang sumalubong sa akin. Masaya niyang hinawakan ang aking baby. Nang makita niya si Leonardo, biglang bumaliktad ang kanyang mundo. Galit at kasuklaman ang kanyang nadarama at sinampal niya si Leon. Walang nagawa si Leon kundi humingi ng kapatawaran sa kanyang dating asawa na si Mila at kanyang anak na naging asawa niya ngayon na si Rose.

“Ano ba ang nagawa ko sayo at pati si Rose ay pinatulan mo? Hindi mo ba nararamdaman na pareho lang ang mga dugo na dumadaloy sa inyo? Ang sama sama mo! Umalis ka na dito at iwan mo kaming mag ina. Wala kang kwenta! Umalis ka!”, Sigaw ni Inay.

Umiiyak ako dahil sa mga nangyayari sa aking buhay. Sa aking pamilya, sa aking buhay pag-ibig at lalong lalo na sa kalagayan at kinabukasan ng aking anak. Iniwan na kami ng aking ama at namuhay ako kasama ang aking ina at ang aking anak. Parang di ko na kayang patawarin pa ang aking ama sa lahat ng ginawa niya sa amin.

Lumipas ang ilang taon, nakatanggap kami ng balita tungkol sa aking ama. Siya raw ay nagpakamatay dahil sa nawalan siya ng bait. May natanggap din kaming isang liham galing kay ama na naglalaman ng kanyang damdamin.

“PATAWARIN NIYO KO ANAK, PINAGSISISIHAN KO LAHAT NG GINAWA KO SAYO AT SA INA MO. NAWA AY MAPATAWAD NIYO AKO. MAHAL KO KAYO.”

Rose. Ang buhay ko ay parang rosas. Puno ng matinik na mga pagsubok. Ngunit gaya ng rosas, ako ay magiging simbolo ng pag-ibig hindi lang sa aking sarili, pati na rin sa aking anak.

Saturday, September 21, 2013

HINAING

Ina ko’y maganda at napakaputi pa
Naghahanap buhay para sa pamilya
Kahit ano, go lang ng go
Kahit na nakakasama ng ibang tao

Oh, Ina, mahal kong Ina
Ba’t ka humahanap ng kasiyahang masama?
Una mo pa lang siyang nakilala,
At nabihag ka na?


Isang gabi, kayo’y napakasaya
Walang katapusang pag-ibig na nadarama
Pagkatapos ay parang ‘di na magkakilala
Mamumuhay ng dati at maghahanap na naman ng iba

Ako’y napakasaya ng ako’y binigyan ng pag-asa
Na malalanghap ang buhay na matagal ko nang tinatamasa
Ngunit ako’y nagtaka,
Bakit di ka masaya?



Linggo’y lumilipas at ako’y nasasaktan
Hindi mo ako minahal at inilagaan
Ako’y unti- unting nawawalan ng buhay
Ako pala’y iyo nang pinapatay



Oh, Ina, Di ko alam ano ang aking kasalanan
Ba’t ang buhay ko’y iyong pinutol ng walang dahilan?
Ako’y nakita ng maraming tao
Pinaghahanap ang may gawa nito

Binabalewala mo lang ang balita at nagtatago
Buhay ko ba’y parang basura lang sayo?
Oh, Ina, napakasakit ng ginawa mo
Kahit sa langit ay dadalhin ko ang parusang ito



Oh, Ina, wala na akong magagawa
Buhay ko’y nawala na
Sana’y masaya ka
Oh, Ina, mahal na mahal parin kita. 


Thursday, September 19, 2013

Forbidden Love

You are tall
But I am small
You are my inspiration
But you treat like I didn’t exist in this generation 


You make me feel so happy when you text me
But I don’t know if that’s what you feel about me
I like who you are
But my heart and mind are still in war 

 
Oh boy, don’t make me wait
 ‘Coz waiting for nothing is a waste
Oh boy, don’t make me fall
‘Coz you’re just a stranger who makes my life downfall.