Saturday, September 21, 2013

HINAING

Ina ko’y maganda at napakaputi pa
Naghahanap buhay para sa pamilya
Kahit ano, go lang ng go
Kahit na nakakasama ng ibang tao

Oh, Ina, mahal kong Ina
Ba’t ka humahanap ng kasiyahang masama?
Una mo pa lang siyang nakilala,
At nabihag ka na?


Isang gabi, kayo’y napakasaya
Walang katapusang pag-ibig na nadarama
Pagkatapos ay parang ‘di na magkakilala
Mamumuhay ng dati at maghahanap na naman ng iba

Ako’y napakasaya ng ako’y binigyan ng pag-asa
Na malalanghap ang buhay na matagal ko nang tinatamasa
Ngunit ako’y nagtaka,
Bakit di ka masaya?



Linggo’y lumilipas at ako’y nasasaktan
Hindi mo ako minahal at inilagaan
Ako’y unti- unting nawawalan ng buhay
Ako pala’y iyo nang pinapatay



Oh, Ina, Di ko alam ano ang aking kasalanan
Ba’t ang buhay ko’y iyong pinutol ng walang dahilan?
Ako’y nakita ng maraming tao
Pinaghahanap ang may gawa nito

Binabalewala mo lang ang balita at nagtatago
Buhay ko ba’y parang basura lang sayo?
Oh, Ina, napakasakit ng ginawa mo
Kahit sa langit ay dadalhin ko ang parusang ito



Oh, Ina, wala na akong magagawa
Buhay ko’y nawala na
Sana’y masaya ka
Oh, Ina, mahal na mahal parin kita. 


No comments:

Post a Comment